Ang Makabagong Teknolohiya

Marjorie Barrameda
5 min readFeb 2, 2021

--

The Responsible Use of Social Media

source: Home Care Insight

Malaki na ang naiunlad ng technology sa panahon ngayon. Naglabasan na ang makabagong gadgets katulad ng computer, laptop, iPad, xbox, tablet at higit sa lahat ang cellphone. Ano ba ang mga gadgets na ito at paano natin ito magagamit? Ang makabagong gadgets na ito ang nagagamit natin upang makahalubilo natin ang ating mga kaibigan, kamag anak, kaklase, kapitbahay, katrabaho, at kahit sino pa na pwede natin makausap. Bago natin talakayin ang tunay nating paksa sa blog na ito, balikan muna natin ang pakikipagkomunikasyon noong unang panahon. Dati sa panahon pa nina Magellan o ng mga kanununuan natin kailangan nila maglakbay gamit ang bangka o malaking mga sasakyan pangdagat upang makipagkaibigan sa mga dayuhan. Katulad nga ni Magellan na lumibot pa sa buong mundo para lang makahanap ng mga spices. Habang tumatagal lalo namang nagiging makabago ang way para makipagkomunikasyon ng mga tao. Naimbento na ang telepono dahil kay Alexander Grahambell.

Naimbento nya ang telepono noong 1885 at isa sya sa co-founder ng unang telephone and telegraph company ang AT&T. Sumunod naman ang pagimbento ng Television set noong 1927. Ang mga kagamitang ito ang unang daan upang makipagkomunikasyon sa nakakarami. Sa pamamagitan ng mga ito naaabot natin ang mga gusto natin bigyan ng mensahe. Naipapalabas naman din sa telebisyon ang mga palabas upang mamulat ang mga tao sa iba pang pangyayari sa isang lugar at maipakita ito sa mga tao. Sadyang malayo na talaga ang narating ng civilization at ngayon mas pinadali na ang lahat ng bagay. Ika nga’y “you’re just a click away”. Pero ano nga ba talaga ang kahalagahan ng mga makabagong gadgets? Saan ba natin ito maaring gamitin? Maraming pwedeng paggamitan ng mga gadgets na ito, nandyan ang paggawa natin ng project mapaschool man o sa trabaho. Pwede din ito gamitin sa pag-aaral. At higit sa lahat dito natin maaring makausap ang mga taong gusto natin makausap sa pamamagitan ng social media platform. Ano naman ang social media? Makakatulong ba sa atin ito o makakasama? Ang social media ay isang internet-based na kung saan ito ang paraan upang makipagkomunikasyon ang tao, makapagbigay ng mga ideas at makagawa ng mga videos upang mas marami pa ang mga natutunan ng mga taong gumagamit ng mga platform na ito.

Iba’t Ibang Uri ng Social Media na Sikat

source: thealtlantic.com

Facebook

ang Facebook ang pinakasikat na social media at talaga namang nakamarka na dito ang pang araw araw na gawain ng mga tao mapasikat man o pangkaraniwang tao ito. Ang nagtatag nito ay isang mag-aaral noon na si Mark Elliot Zuckerburg at kasama niya ang kakalase nya upang mabuo ang social media platform na ito. Nailunsad nila ito noong February 4, 2004. Dito nakikita ng isang tao ang iba’t ibang profile ng tao at madali na dito hanapin ang mga nawawala nilang kaibigan at kamag anak dahil halos lahat ng tao sa buong mundo ay myembro na ng Facebook. Ang layunin ng Facebook ay para lamang sa University na pinapasukan ni Zuckerburg na kung saan makikita at mga larawan ng estudyante, mga guro at mga kawani ng Harvard sa taunang sanggunian ng paaralan. Ngunit ninais ni Zuckerburg na palawigin ito sa ibang paaralan kaya kinailangan nya ng magpatulong sa kanyan mga kamag-aral at kasama sa dormitoryo na si Dustin Moskovitz. Sa kasalukuyan marami na ang pwedeng gawin sa Facebook dahil sa paguupdate ng platform at sa dami ng mga gumagamit nito, si Zuckerburg ay ganap ng bilyonaryo. Sa ngayon, ang Facebook ay marami ng features para lalong mapasaya ang myembro. Maari ka na din kumita sa pamamagitan ng Facebook dahil sa dami ng mga taong nakakakita ng lahat ng ipopost mo mapavideo man o larawan.

Youtube

source: edition.cnn.com

Ito ay sinimulan ng mga empleyado ng Paypal na sina Steve Chen, Chad Hurley at Jawed Karim. Noong 2006, ito ay binili ng Google at ngayon ay pinagkakakitaan na ng marami artista man o hindi. Sila ang tinatawag na influencer o vlogger na kung saan naguupload sila ng mga videos para maipamahagi nila ang kanilang mga opinyon at mga kaalaman. Marami na din ang pinasikat ng Youtube at umangat ang buhay dahil sa tulong nito. Malaki ang tulong nito sa atin dahil dito natin matututunan ang maraming bagay katulad ng pagluluto, paggawa ng bahay, at kahit ano pang maari nating maisip na hanapin ay nadito sa Youtube. Kaya kung nais mo na madagdagan ang mga kaalaman mo sa ibang bagay isearch mo lang sa Youtube at viola matututo ka na.

Instagram

source: www.lifewire.com

Ang Instagram naman ay isa sa mga sumikat din katulad ng Facebook. Dito naipapamalas ng isang myembro ang kakayahan nya na mapaganda ang larawan dahil sa mga effects sa mismong platform. Kaya nga ang sabi ng mga kabataan ay “instagramable” kapag nakakakita sila ng mga bagay na kaaya aya sa paningin. Malaki ang naitutulong nito sa mga aspiring photographer na gusto makilala sa larangan ng photography na kung saan kumukuha ng magandang anggulo ng isang bagay o tao ang naglilitrato at iuupload sa platform na ito. Naipapamalas nila ang kaaya ayang bagay at naipapakita ang taglay na ganda nito.

Ang mga social media sites o platform na ito ay ilan lamang sa mga sikat. Napakarami ng mga platform ang naglabasan sa panahon ngayon. Ngunit ano nga ba talaga ang naitutulong ng mga ito sa atin? Maraming tulong ang naidudulot ng social media lalo na ngayon sa panahon ng Pandemic na kung saan naipapakita at naipapahayag pa din ng mga tao ang kanilang nais iparating sa gusto nila makasalamuha kahit man lamang sa virtual. Nakukumusta natin ang mga mahal natin sa buhay kahit na nasa malayo. Nakakapagturo tayo sa paraan lamang ng pagkuha ng video kahit man sa simpleng pang araw araw natin na gawain. Maari din natin gamitin ang social media upang tayo ay makapaghanap buhay. Pwede natin ito gamitin sa ating business at makakuha ng mga suki sa pamamagitan lamang ng pagupload ng larawan o video ng ating mga produkto. Nakakatulong din ang social media upang mahanap natin ang mga bagay na ating kailangan at gusto nating bilhin. Nakikita din natin ang mga nangyayari sa buong mundo.

--

--

Responses (4)